Sunday, February 23, 2014

Ang Tunay na Lalake: "I'm A Lover Not A Fighter"


Si Jose Rizal ay isang tunay na lalake dahil sya ay isang lover at fighter. Alam na natin ang lovelife ng ating pambansang bayani. Ngunit alam nyo ba na isa rin syang bihasang "fencer" at mahusay sa pag-gamit ng baril ("pistol") bago pa man pasikatin ni Lito Lapid ang mga paltik sa kanyang pelikula.

Ang sikat na katagang "I'm a lover not a fighter", kadalasan ay ginagamit kapag medyo umiinit na ang sitwasyon at ang nagsalita ay magbibigkas ng kataga upang mabigyang rason ang kanyang hindi pag laban. Kadalasan, ginagamit sa maling konteksto.

Hayaan mong bigyan ko ng linaw kung saan at kelan mo gagamitin ang salitang iyan. At kung kailangan mo pa bang banggitin?

Ang isang tunay na lalake ay marunong magmahal (lover). Ang isang tunay na lalake ay marunong din lumaban (fighter). Bagkus, ang isang tunay na lalake ay both lover and a fighter.

Ang isang lalakeng tanging pag-ibig lang ang alam, ay parang si Prince Paris sa storya ng Troy. Itinakas nya si Helen dahil sa mahal nya ito. Pag-ibig lamang ang kanyang inatupag. Hindi nya kayang ipagtanggol ito at nawala ang kanyang kaharian kapalit nito.

Ang isang lalakeng puro pakikipaglaban lang ang alam ay parang si Achilles. Hindi rin naging maganda ang naging storya sa kanya dahil sa kanyang kagustuhan makipaglaban.

Ang punto naten dito ay ang balanse ng pag-ibig at pakikipaglaban.

Maari mong ituring na ito ay Yin at Yang. Sa Yin Yang, ang Yin ay ang dark side, "destruction", pagkasira, maari mong ihalintulad sa pakikipaglaban. Ang Yang, ay ang light side, "creation" o pagibig. Ikaw ay kombinasyon ng Yin at Yang, ikaw ay kombinasyon ng pagibig at pakikipaglaban, dahil hindi kaya mabuhay ng dalawa kung wala ang isa.

"Paano mo maipaglalaban ang pagibig mo kung hindi ka marunong lumaban?" Sa kaparehong tanong, "Anong dahilan mo lumaban kung wala kang iniibig?"

Kung ang nobya mo ay binabastos, hindi mo maaring banggitin ang katagang "I'm a lover, not a fighter" at umasang matatakot ang tao. Maari kang magpumiglas at magbanta, o subukang manuntok, pero nakasuntok kana ba dati? Malaki sa malamang, hindi tatama ang suntok mo, masasapak ka, mawawalan ng malay at magugulpi. Ang nobya mo? Nasa kamay ng mga laseng na tambay at gagawing pulutan. Sisisihin mo ang sarili mo, sisisihin ka nya. Mawawala ang pagibig ng buhay mo.

Ang isang tunay na lalake, marunong tumingin ng kanyang kahinaan. Dahil wala syang ibang prioridad kundi mag-improve at maging karapat-dapat na lalake sa babaeng pinakamamahal nya.

"A Man Provides" ika nga ni Walter White. At ano ba ang importante para sa mga babae? Ano ba ang dapat mong iprovide bilang isang tunay na lalake? Ang sagot: emotional needs at security. Kailangan nila ng isang lover at fighter.

Sa puntong ito, marahil kailangan kong magbigay ng isang matibay na example upang maintindihan mo ang gusto kong iparating. Marahil ang mga babae sa buhay mo ay palaging nagpapahiwatig sa iyo na maging lalake ka sa mga soap operas, love story at romance movies. Marahil ang mga maliliit na pahiwatig na ito ay nagbigay sa iyo ng ideya na maging isang "Romeo" upang maka-akit ng dilag.

Sa puntong ito din, nais kong sabihin sa iyo na si Romeo ay isa lamang lalakeng marunong magmahal. Ngunit hindi marunong lumaban. Sinong tunay na lalake ang tatanggapin ang kamatayan para takasan ang kanilang problema? Gusto kong isipin mo bilang isang Mr. Mustachio, na ang tunay na lalake ay hindi parang Romeo, kundi isang James Bond. Marunong umibig at makipaglaban.

Kung ganito ang iyong magiging idea ng isang tunay na lalake, bilang isang lover at isang fighter, magkakaroon ka ng panibagong bugso ng kumpyansa sa sarili. At ang confidence na yan ang mag-aakit ng mga dilag (kung ikaw ay binata pa) at karagdagang pagmamahal sa iyong misis or nobya kung ikaw ay "taken" na.

Ano ang solusyon sa mga "Lover not a fighter"? Madali lang yan, matutong makipaglaban. Mag-enroll sa isang boxing gym, magtake ng martial arts lesson. Basahin ang mga libro ng mga mandirigma ng mga unang panahon. "Sun Tzu's Art of War" at "Book of Five Rings" ni Miyamoto Musashi ay magandang panimula. Tandaan mo, ang tunay na lalake ay marunong din magbasa.

Sa kabilang dako, ang "I'm a lover, not a fighter" ay maaring mong banggitin, sa sitwasyon lamang na ang pakikipag-away ay sa mahal mo. Halimbawa na lang, kung kayo ay may di pagkaka-unawaan ng iyong minamahal, sa sitwasyong ito ang "I'm a lover, not a fighter" ay nararapat lamang sabihin.

Kung kayo ay nag-aaway ng iyong nobya, sabihin mo sa kanya na you're a lover and not a fighter. Ipakita mo sa kanya na ayaw mo na nag-aaway kayo. At tiyak kong magiging masaya ang pagsasama ninyo. Hindi ito pagiging under the saya. Papalipasin mo lamang ang kanyang galit sa pamamagitan ng paglalabing sa kanya, at tyaka nyo pagusapan pag malamig na ang ulo nya kinabukasan. Ang tunay na lalake ay kalmado sa lahat ng oras. Mapagmahal sa kanyang mahal sa buhay, ngunit isang bangungot sa mga nagkakamaling saktan sya.

Hanggang sa susunod,
Mr. Mustachio

No comments:

Post a Comment