Sunday, March 2, 2014

Ang Gabay ng Tunay na Lalake Sa Kababaihan

A Real Man's Guide to Women ika nga sa Ingles. Isang guide upang maintindihan mo, bilang isang tunay na lalake, ang iniisip at nararamdaman ng mga kababaihan. Mayroon ka bang sinisinta ngunit hindi mo alam kung paano mo uumpisahan ang iyong diskarte? Palagi ka na lang ba nababasted o ipinagpapalit sa mga lalakeng alam mong sasaktan lang siya? Palagi ka bang na-ffriendzone? Kung ang sagot mo sa isa sa mga tanong na yan ay "oo", makinig ng mabuti at aking ilalantad sa iyo ang katotohanan tungkol sa mga babae.

Ang mga nasusulat dito ay malamang ikabibigla mo. Dahil karamihan dito ay taliwas sa itinuro sa iyo ng iyong ina. Naiintindihan kita at hindi ka nagiisa. Kung ang aking ama ay tinuruan ako ng ganitong bagay sa kababaihan imbes sa aking ina, malamang ay hindi ko din dadanasin ang mabigo sa pag-ibig. Ngunit dahil sa naranasan ko na ang mga iyan, akin itong ibabahagi sayo.

Buksan ang iyong isip at pagisipan ang aking mga sasabihin, dahil kung hindi mo man mapaibig ang babaeng gusto mo, sa pagsunod sa mga nakasulat ikaw naman ay magbabago tungo sa pagiging tunay na lalake na hinahanap ng lahat ng babae.

Matutong makipagusap at maglahad ng emosyon

Ang isang tunay na lalake ay marunong makipagusap sa lahat ng klase ng tao. Mahirap, mayaman, edukado man o hindi. May alam sya sa lahat ng bagay at higit sa lahat, alam nya ang mga bagay na hindi nya alam. Ang isang tunay na lalake ay marunong maglahad ng kanyang emosyon. Isang bagay na gusto ng kababaihan dahil sa sila ay may emotional needs. Gusto ng isang babae na in touch ang kanilang lalake sa kanilang emotional side, hindi parating brusko at pamacho, kundi "vulnerable" sa ibang tao, dahil emosyon lamang ang lengguahe na kanilang naiintindihan.

Health o Kalusugan

Ang isang tunay na lalake ay umaako ng responsibilidad. At ikaw ay may responsibilidad sa iyong mga mahal sa buhay. Sa iyong magulang, sa iyong mga kapatid, sa iyong mga kaibigan at sa iyong iniibig o iibigin. Bagkus, upang magampanan ang lahat ng ito, kailangan mong alagaan ang iyong sarili, una sa lahat.

Ang pagiging responsable ay nagbibigay ng senyales sa mga kababaihan na ikaw ay maasahan. At ang kanilang "senses" para sa "security" ay magbibigay sa kanila ng senyales upang ikaw ay mapansin. Nais ng mga babae ng security at ang iyong pag-ako sa mga responsibilidad na ito ay magbibigay sa kanya ng bagong pagtingin sa iyo. At dahil sa iyong pag-aalaga sa katawan, gaganda ang iyong postura at magiging kaakit akit sa pisikal na aspeto.

May mga scientific studies na nagsasabi na ang pageehersisyo ay nagpapataas ng testosterone sa mga kalalakihan. Ang testosterone ay ang "manly hormones". Kung marami ka nito, natural na maaattract ang mga babae sa iyo. Basta't ito ay natural mo nakuha at hindi injection.

Power o Kapangyarihan

Sa pinakatuktok ng mga katangian ng hinahanap ng babae sa lalake, ang pinakaimportante sa lahat ay "power". Power easily translate to security. Ito ang dahilan kung bakit ang mga politiko ang nakakapag-asawa ng mga artista. Ito din ang dahilan kung bakit mga negosyante ang nakakapag-asawa ng mga modelo, mga "gangster", kriminal at bad boys..

Kung malaki ang responsibilidad mo sa maraming tao, mas malaki ang power na hinahawakan mo. Ito ang dahilan kung bakit nirerespeto ang mga lolo, ang mga tatay, at ang mga CEO ng malalaking kumpanya.

Kung kaya, iyo dapat pagisipan ng mabuti, kung paano ka magiging isang leader, isang lalakeng maasahan ng lahat.

Wisdom at Experience

Ang mga babae ay inlove sa kanilang mga ama. Kung kaya, ang kanilang tipong lalake ay mahahawig sa ugali ng kanyang ama. Bilang isang tunay na lalake, iyong responsibilidad na matuklasan ang mga bagay sa mundo. Matuto ng ibat ibang klase ng bagay. Makaexperience ng maraming bagay. Magbasa ng maraming libro. At hindi lamang tungkol sa trabaho, sitwasyon ng gobyerno o kakulangan sa pera ang inyong paguusapan.

Pagiging Maalalahanin (Warmth)

Power, Wisdom at Warmth. Kung iyong magagawa ang lahat ng ito, hindi lamang mga kababaihan ang maakit sayo. Kundi pati narin ang mga lalake. Hindi sa romantikong paraan, ngunit magbibigay daan ito upang lumapit ang iba pang tunay na lalake sa iyo. At ang grupo ng mga tunay na lalake ay talaga namang empowering.

May Paninindigan at Respeto sa Sarili

Ang mga bidang lalake sa mga romance movies ay kadalasan isang "head over heels" na inlove na inlove sa babae na gagawin ang lahat para sa babae. Isang taong ibebenta ang kanyang kidney para lang sa kanyang iniirog. Marahil ito nga ay isang sign ng pagibig. Ngunit ang tunay na lalake ay may respeto sa sarili.

Ang isang tunay na lalake alam kung sya ay pinaglalaruan lamang ng mga babae. Ngunit hindi sya magagalit sa oras na malaman nya ang katotohanan. Ang isang tunay na lalake ay hindi papayag na gawin ang lahat para sa babae. Kundi gawin ang lahat kasama ang babae.

Do not do things for her. Do things with her.

Ang nakakalimutan ng ibang mga lalake ay ang katotohanan na ang mga babae ay tao rin. Hindi sila Diyos na kailangan mong ilagay sa pedestal at sambahin. Kung ito ay iyong gagawin, mawawala ang respeto nya sayo at iisiping isa ka lamang sa mga lalakeng nakilala nya dati na walang sariling paninindigan, walang sariling isip at boring.

Ituring mo syang "equal" dahil ito ang katotohanan. At ang kapalit nito ay respeto para sayo.

Hindi Maari Maging Magkaibigan ang Lalake at Babae

Kapag nagsama ang lalake at babae bilang magkaibigan, darating ang panahon na isa sa kanila ay maiinlove. Kadalasan ang lalake ang bumibigay dahil sa ating natural na paraan sa paghahanap ng partner. Ngunit kung mainlove ba ang pareho sa isa't isa ay isa paring tanong. Sa madaling salita, ang mga lalake na lumalapit sa babae na may layuning kaibiganin ito upang maging potensyal na nobya ay mga duwag at gusto lamang ng "safe" na daan sa pag-ibig.

Gawin mo ito at ikaw ay ma-ffriendzone. Kung kaibigan ang iyong pakilala sa babae, kaibigan ang iyong matatanggap. Mahirap para sa mga babae na halikan sa labi ang kanilang mga kaibigang lalake. Sa parehong dahilan na mahirap para sa kanila na isipin ang isang kaibigan bilang isang romantikong partner.

Ang nararapat mong gawin ay magpakilala bilang isang partner. Sa umpisa pa lamang ay maging direkta sa iyong layunin sa kanya. Sabihin ang iyong nararamdaman at magpatawad kung ito ay kanyang ikinabigla. Ika nga sa kanta, "ipagpatawad mo, minahal kita agad...".

Ang tunay na lalake ay alam ang kanyang gusto at hindi nag-sesettle sa mga bagay na hindi nya gusto (tulad ng friendship) dahil ayaw nya lang ma-reject. Ang isang tunay na lalake ay hindi nahihiya sa sasabihin ng iba. Hindi ginawa ng Diyos si Eba para maging kaibigan lang ni Adan.

Hindi Mo Sya Pag-aari

Ang isang tunay na lalake itinuturing ang mga babae bilang isang tao, hindi isang bagay. Ang babae ay hindi isang kotse na matapos mong paghirapan ay iyo lamang gagawing pangdisplay at papalitan matapos mong magsawa. Hindi ito isang bagay na iyong ipagkakait sa mga taong malapit sa kanya (possessive). At hindi sila isang bagay na iyo nang hahadlangan upang makakilala ng iba pang tao (jeaslousy).

Hindi mo sya dapat ikulong, kundi maging suporta sa kanyang mga pangarap sa buhay.

Ang isang tunay na lalake ay confident sa kanyang sarili. Confident sa kanyang minamahal na kaya nyang suportahan sa kahit na ano man ang kanyang gusto, gawin ang kanyang pangarap, makipagkita sa kanino man, hangga't alam ng isa't isa ang kanilang hangganan. Kung mainlove man ang babae sa ibang tao habang kayo ay magnobya, para sa tunay na lalake, ito ay kapalaran. At hindi isang dagok sa kanyang pagkalalake.

"Do not cry because its over. Smile because it happened."

Matutong Makinig

Ang pakikinig ay mahalaga sa pakikipagusap sa babae. Ang babae ay palaging naghahanap ng tao na kaya nyang makipag-connect emotionally at ang pakikinig ay ang pinakamadaling paraan para magawa ito. Kung ikaw ay nakikinig, ang lahat ng atensyon mo ay nasa kanya. At kung ikaw ay sincere sa pakikinig, ito ay katumbas ng 1000 compliments ng hindi ka nagsasalita.

Ang sincere na pakikinig ay isang compliment sa babae. Sanayin mo ang sarili mong makinig sa kanila ng taos puso.

Pagiging Maginoo (Chivalry)

Sa modernong panahon meron pa ba nito? Marahil wala na. Pero naniniwala ako na ang pagiging maginoo ay nararapat lamang gawin ng isang tunay na lalake. Kung may mga rules of engagement ang mga sundalo sa pakikipaglaban, ito ang rules of engagement ng mga tunay na lalake.

Ang tunay na lalake ay maginoo. Sa lahat ng oras. Ipagbukas ng pinto, pagbabayad ng "meal", pag-compliment sa kanyang itsura, pagbubuhat ng kanyang bag at kung ano ano pa.

Mga maliliit na bagay na sa tingin natin ay bale wala lang ngunit napapansin ng mga babae.

Ang Sinasabi ng Babae ay Kadalasan Hindi Akma sa Kanyang Gusto

Ang mga babae ay emosyonal. Kung sinabi nyang mahal ka nya, mahal ka nyang talaga. Pero iyon ay totoo sa oras na iyon. Dahil sila ay nagdedesisyon sa kanilang emosyon, ito ay maaring magbago sa hinaharap at hindi ka maaring magalit dahil dito o sabihan silang sinungaling, sila ay nagiging totoo lamang sa kanilang sarili.

Ang mga babae ay tapat sa kanilang nararamdaman, ito ay totoo, ngunit ito ay totoo lamang sa eksantong pagkakataon na yun. Maari itong mabago mamaya, bukas, sa susunod na buwan o taon. Kung kaya, kung minsan iba ang kanilang sasabihin dahil ayaw ka nilang masaktan o masabihan ng hindi maganda. At kailangang matutong tumingin sa sinasabi ng kanilang kilos, hindi sa sinasabi ng kanilang bibig.

May Pangarap Sa Buhay

Nais ng isang babae ang lalake na may pangarap sa buhay. Hindi lamang sa salita, ngunit may pruweba na ikaw ay gumagawa ng paraan upang makamit ito. Madaming lalake na sa tingin nila na ayos na ang magkaron ng pangarap. Lahat ng tao ay may pangarap. Ngunit iilan lang ang may lakas ng loob upang habulin ito. At dito naiiba ang tunay na lalake. Ang tunay na lalake ay hindi lang basta nangangarap, kundi umaaksyon patungo sa pangarap na ito.

A Man of His Word, A Man of Honor

Ang tunay na lalake ay binibigyang halaga ang kanyang salita at mga pangako sa ibang tao. Kung siya ay nangako na magiging tapat, ang isang tunay na lalake ay gagawin ito. Kahit ano man ang mangyari.

Maging Loyal

Ang ating kultura ay sinusukat ang pagiging lalake sa pagiging playboy. Sa aking palagay, ito ang ginagamit na sukatan ng mga bata sa paramihan ng laruan. Hindi nya ginagamit ang babae bilang laruan o scoreboard. Totoo na maaring magkaroon ng mga relasyon habang ang isang lalake ay "commited", ngunit ang isang tunay na lalake ay hindi gagawa ng ikasasakit ng kanyang mahal, habang sila ay magkasintahan.

No comments:

Post a Comment